GULONG NG BUHAY



Ang buhay sa ibabaw ng mundo... sari-saring uri ng buhay na mararasanan mo simula ng ika`y isilang dito sa ibabaw ng mundo. Ipinanganak kang mahirap, mamatay ka din bang mahirap? Ipinanganak kang mayaman, mamatay ka rin bang mayaman?. Tanong na ikaw mismo mo sa sarili mo ang makasasagot. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas at minsan nama`y nasa ibaba. Ngunit isa lamang ito sa patunay na hindi ka mabubuhay sa mundong ginagalawan mo kung wala ang mga pagsubok. Tulad na lamang ng batang nasa litrato, makikita na ang estado nang kanyang buhay ay hindi karangyaan, ngunit kung siya ay  magsisikap at determinado na umangat, balang araw ay maaaring isa na sya sa tinitingila at kinikilala ng mga tao. Your future is in your hand, nakasalalay sayo kung ano ang kahihinatnan ng buhay mo. 

Ako, pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat tungo sa buhay na pinapangarap ko. Ikaw? Kayo? Kaya niyo bang makita ang buhay niyo na nasa tabi ng kalsada, namumulot ng mga basura, isang kahid isang tuka? Masisikmura mo ba na masasayang lamang ang mga segundo, minuto, oras at araw na   ika`y binigyan ng pagkakataon upang labanan at sugpuin ang mga bagyong paparating sa buhay mo? Makakayanan mo bang mamuhay sa hirap, at makita ang iba na masayang kumakain sa isang mamahaling restawran? Ako, hindi. Kaya`t huwag sayangin ang bawat segu
ndo ng oras na sayo`y ibinigay.

Comments

  1. Buy Blue Titanium Online at TITanium-ART
    Discover our best selection titanium build of titanium undertaker casino games. Try for free titanium gold on TITanium-ART online titanium jewelry with our free trial and titanium exhaust tips win real money.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

ITLOG o MANOK?

HUGOT NG MGA TAONG WALA NAMANG LOVELIFE :D