HUGOT NG MGA TAONG WALA NAMANG LOVELIFE :D



Hugot ng hugot wala namang lovelife... ito yung salitang naririnig natin sa mga kaibigan nating bitter. Mga nagmamalinis pagdating sa lovelife.
   
      " Wala na iniwan niya na ako" mga salitang binibitawan mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Big deal sayo, pero sakanya dika kawalan. One-sided love kasi mga beng hahaha. Wala namang kayo pero kung maka hugot ka daig mo pa iniwanan ng syota.
Pero alam niyo mga beng, ayos lang naman humugot, doon mo kasi mailalabas yung sakit o saya  na nararamdaman mo. Wala e, ganon talaga ang buhay, magmamahal ka na nga lang sa maling tao pa, ayan tuloy NASAKTAN KA.


Para to sa mga taong wala namang lovelife, sige na nga pati na rin may lovelife (di ako bitter hahaha). So ayun nga back to the topic, bakit kaya tayo nakakaranas ng mga ganyang sakit? Kung sino pa yung nagmamahal siya pa iniiwan, ganern? Hay naku, well that`s` life mga beng. Kaya kung ikaw magmamahal, wag mong isagad para dika masaktan nang lubusan, para dimo masabing "WALA NA INIWAN NIYA NA AKO", kuha?

May tula ako para sa mga taong nagmamahal ngunit hindi minamahal,

mahal kita pero ikaw ay may iba,
dinadalangin kong ikaw ay makita
pero hindi yung kasama mo siya.

sana ako nalang yung minamahal mo nang sobra,
sana ako nalang yung iniingatan mo,
sana ako nalang yung sinasanihan mo nang "mag-ingat ka, papakasalan pa kita"
sana ako nalang siya.

sana matupad lahat ng sana,
para hindi na ako nasasaktan pa ng sobra.
pero ayos lang,
tanggap ko na,
na may mahal kang iba.

masaya na kong makita kitang masaya,
kahit sa piling pa ng iba,
mahal na mahal kita.


Comments

Popular posts from this blog

ITLOG o MANOK?

GULONG NG BUHAY